Paglaya ni Sen. Leila de Lima muling inihirit ni Sen. Kiko Pangilinan
Dahil sa isyu ng kalusugan ni Senator Leila de Lima, inulit ni Senator Francis Pangilinan ang agarang pagpapalaya sa senadora.
“Nag-aalala kami sa kalagayan ni Sen. Leila. Over 1,500 days of unjust detention will take its toll to anyone – and now it’s affected Sen. Leila’s health. This is a severe injustice and a violation of basic human rights,” ang social media post ni Pangilinan.
Humingi din ng dasal si Pangilinan para sa kapwa niya opposition senator.
Sinabi pa nito na bagamat matatag si de Lima, makaka-recover agad ito sa kanyang mga nararamdaman kung agad na nabibigyan ng atensyong-medikal na hindi naman mangyayari kung ito ay nakakulong.
Tatlong araw na nanatili sa Manila Doctors Hospital si de Lima matapos mangamba ang kanyang doktor na nagkaroon ito ng mild stroke.
Base naman sa kanyang tests, ang pananakit ng ulo at panghihina ng senadora ay bunsod ng mainit na kulungan sa loob ng PNP Custodial Center sa Camp Crame.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.