Ang NTF-ELCAC ba ay civilian office o military unit? – Sen. Ping Lacson
Sinabi ni Senator Panfilo Lacson na hindi aabutin ng isang linggo ay maiintindihan na ni National Security Adviser Hermogenes Esperon ang Article XVI, Section 5, Paragraph 4 ng 1987 Constitution.
Nakasaad, ayon kay Lacson, sa naturang probisyon sa Konstitusyon na walang miyembro ng AFP na nasa aktibong serbisyo ang maaaring italaga sa anumang kapasidad sa isang civilian position sa gobyerno.
Ang pahayag ni Lacson ay patungkol sa sinasabing pagdedesisyon ni Esperon sa kung ano ang gagawin kay Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., bilang isa sa mga tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ang kasalukuyang posisyon ni Parlade sa AFP ay commanding general ng Southern Luzon Command.
Dagdag pa ni Lacson maari din tanungin na lang ni Esperon at ng legal staff ng Malakanyang ang kanilang mga sarili, kung ang NTF –ELCAC ay isang civilian office o isang unit ng AFP.
Nabanggit din ng senador na nakasaad din sa Saligang Batas na ang mga miyembro ng AFP ay hindi dapat pumapasok sa partisan politics.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.