Dating San Juan Mayor Guia Gomez positibo muli sa COVID 19

Matapos ang isang linggo na paghihintay, mako-confine na sa ospital ngayon araw si dating San Juan City Mayor Guia Gomez.

Ito ay ayon sa kanyang anak na si dating Sen. JV Ejercito.

Sa social media post ni Ejercito sinabi nito na noong Disyembre ay na-ospital na ang kanyang ina dahil sa COVID 19.

Humingi ng dasal ang dating senador para sa kanyang ina.

Kamakailan lang ay lumabas na ng ospital ang kanyang ama, si dating Pangulong Joseph Estrada, na tinamaan din ng COVID 19.

Read more...