Rep. John Rey Tiangco, positibo sa COVID-19

By Angellic Jordan April 28, 2021 - 10:28 PM

Photo grab from Rep. John Rey Tiangco/Facebook

Nagpositibo sa COVID-19 si Navotas City Rep. John Rey Tiangco.

“Gaya ng naipangako ko, ito po ang update sa aking RT-PCR Test Results: ako po ay kumpirmadong positibo sa COVID-19,” saad ng mambabatas sa kaniyang Facebook account.

Hinikayat ni Tiangco ang lahat ng indibiduwal na kaniyang nakasalamuha na sumailalim sa swab testing.

“Libre po ito. Makipag-ugnayan lamang sa inyong barangay o health center,” pahayag nito.

Ani Tiangco, “Sa kabila ng lahat ng aking pag-iingat, hindi pa rin po ako nakaligtas sa virus na ito. Sabi nga nila, OA ako dahil doble-doble ang aking face mask, di ako umiinom o kumakain kapag nasa labas, at nagbibihis at naliligo agad pagdating ng bahay. Gayunpaman, nahawaan pa rin po ako.”

Kasunod nito, nagpaalala ang mambabatas sa publiko na higpitan pa ang pag-iingat at iwasan ang paglabas ng bahay kung hindi kailangan.

“Gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya para maipagpatuloy ang aking mga tungkulin at mga programang ating nasimulan,” pagtitiyak ni Tiangco.

Nagpasalamat naman ang mambabatas sa mga nagparating ng pag-aalala at panalangin para sa kaniyang paggaling.

TAGS: Inquirer News, John Rey Tiangco COVID-19 positive, Radyo Inquirer news, Rep. John Rey Tiangco, Inquirer News, John Rey Tiangco COVID-19 positive, Radyo Inquirer news, Rep. John Rey Tiangco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.