Publiko, binalaan ng DSWD vs pekeng Facebook account

Naglabas ng babala ang Department of Social Welfare and Development sa publiko ukol sa pekeng Facebook account.

Tinukoy ng kagawaran ang Facebook account na “DSWD TULONG FINANCIAL STAFF.”

Nilinaw ng DSWD na hindi ito opisyal na social media account ng kagawaran.

Paalala nito, iwasan ang pagtangkilik sa mga pekeng page.

Para makakuha ng pinakahuling abiso sa mga programa ng kagawaran, maaring bisitahin ang kanilang website na www.dswd.gov.ph at sundan ang kanilang Facebook at Twitter accounts na @dswdserves.

Read more...