Ligtas lahat ang mga pasahero ng isang eroplanong nagmula sa South Korea makaraang masabugan ng gulong habang lumalapag sa Kalibo airport sa Aklan kahapon.
Tinatayang umaabot sa 150 pasahero ang lulan ng SEAIR flight mula sa Incheon, South Korea.
Ilang oras ding naantala ang operasyon ng naturang paliparan matapos mabalaho ang naturang eroplano sa tarmac.
Ayon kay Martin Terre, airport manager ng Kalibo, sumabog ang kanang gulong ng SEAIR habang lumalapag ito sa runway.
Bagamat walang nasaktan sa mga crew at pasahero ng eroplano, dalawang kagawad naman ng pamatay sunog na rumesponde sa insidente ang nasaktan makaraang mahulog sa irrigation canal ang kanilang sinasakyang firetruck.
MOST READ
LATEST STORIES