Pangulong Duterte, bumuo ng task force para ipatupad ang Local Government Reform Projects

By Chona Yu April 28, 2021 - 08:37 PM

Photo grab from PCOO Facebook video

Bumuo na si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang inter-agency governing board para ipatupad ang Local Government Reform Projects.

Nakasaad sa Administrative Order Number 40 na kailangang palakasin ang revenue ng local government mula sa real property tax sa pamamagitan ng pagsasaayos sa appraisal at assessment.

Kinakailangang makipagtulungan ang LGRP sa Asian Development Bank.

Nabatid na ang LGRP ay magtatagal ng apat na taon at ang Bureau of Local Government ng Department of Finance ang magsisilbing executing agency, at iba pang pangunahing national government agencies bilang implementing partners.

Malulusaw ang inter-agency governing board sa Hulyo 31, 2024 maliban na lamang kung palalawigin pa ito ng presidente ng bansa.

Bago ang takdang petsa ng pagkalusaw ng IGB, kailangan itong magsumite ng kanilang accomplishment report sa Pangulo sa pamamagitan ng Office of the Executive Secretary hinggil sa mga aktibidad, proyekto at mga programang kanilang naipatupad.

Itinalaga bilang chairman ng IGB ang kalihim ng DOF habang mga miyembro naman ang mga kinatawan mula sa NEDA, DBM, DILG, DICT, isang kinatawan mula sa league of provinces, cities and municipalies, isang kinatawan mula sa isang non-government organization na maaring galing sa women’s organization at isang kinatawan mula sa pribadong sekktor.

Pinirmahan ni Pangulong Duterye ang AO araw ng Martes, Abril 27, 2021.

TAGS: Inquirer News, inter-agency governing board, Local Government Reform Projects, Radyo Inquirer news, Real Property Tax, Inquirer News, inter-agency governing board, Local Government Reform Projects, Radyo Inquirer news, Real Property Tax

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.