Sitwasyon sa Metro Manila, bubuti sa pagpapahaba ng MECQ – OCTA Research

Kuha ni Fritz Sales/Radyo Inquirer On-Line

Nagkaroon ng magandang resulta ang pagpapairal ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila sa usapin ng kaso ng COVID-19.

Ito ang posisyon ng OCTA Research Group at anila, makakatulong na mapagbuti pa ang sitwasyon kung palalawigin pa ang MECQ.

Sinabi ni OCTA fellow Prof. Ranjit Rye na umaasa sila ang napaulat na inirekomenda ng Metro Manila Council na hybrid MECQ ay hindi magdudulot pa ng oportunidad ng pagkahawa-hawa ng sakit.

Una nang binanggit ng grupo na makakatulong kung palalawigin kahit ng dalawang linggo pa ang pagpapairal ng MECQ sa Metro Manila bilang paghahanda sa posibilidad na pairalin na ang muli ang general community quarantine (GCQ).

Ipinunto ng OCTA na bumaba ang reproduction rate at ang daily rate ng COVID-19 cases sa Kalakhang Maynila nang maghigpit sa quarantine status simula noong huling linggo ng nakaraang Marso.

Ngunit puna rin nila, nanatiling nasa ‘full capacity’ ang mga ospital dahil sa pagdami ng mga kaso.

Read more...