Ilang mambabatas, handa na sa “Ivermectin pan-three”

By Erwin Aguilon April 28, 2021 - 07:25 PM

Handang harapin sa korte ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor ang mga magtatangkang ipatigil ang “Ivermectin Pan-Three” o pamimigay ng Ivermectin sa Quezon City sa araw ng Huwebes, April 29.

Ayon kay Defensor, handa siyang lumaban sa korte kung may magtatangka na ipahinto ang kanilang inisiyatibo.

Sumusunod naman anila sila sa batas.

Paliwanag nito, sa mga nakalipas na pagdinig ng Kamara ay may nagsabi na maari ang kanilang gagawing proseso ng pamamahagi ng Ivermectin sa mga nangangailangan lalo na ang mga mahihirap.

Mabuti aniya ang mga mayayaman at ibang may kaya sa buhay alam ang kanilang gagawin kapag tinamaan ng COVID-19, ang mga mahihirap na kanilang target mabigyan ng libreng Ivermectin ay hindi.

Iginiit nito na may dalawang panuntunan na binabanggit ang Food and Drugs Administration at Department of Health sa paggamit ng ivermectin.

Ang gagastusin aniya sa kanilang gagawing paglulunsad ng Ivermectin Pan-Three sa Matandang Balara sa Quezon City, at susundan pa ng pamamahagi sa iba pang mga barangay sa Quezon City ay galing sa sarili nilang bulsa ang gastos.

Mayroon din ang mga itong katuwang na mga organisasyon at mga doktor, na magrereseta ng Ivermectin.

Ang mga benepisyaryo ay bibigyan ng hindi bababa sa tatlong kapsula o tableta ng Ivermectin.

TAGS: Inquirer News, Ivermectin, Ivermectin pan-three, Radyo Inquirer news, Rep. Mike Defensor, Inquirer News, Ivermectin, Ivermectin pan-three, Radyo Inquirer news, Rep. Mike Defensor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.