Ilang senador, inalmahan ang agresibong hakbang ng China sa West Philippine Sea

By Jan Escosio April 28, 2021 - 07:21 PM

Inquirer file photo

Nagkakaisa ang ilang senador sa panawagan na dapat ay tumigil na ang China sa mga hakbang na nagpapalala ng sitwasyon na nag-uugat sa pang-aagaw ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na ang China ang nagtatayo ng military outpost sa rehiyon at pinapalawak pa nila ang kanilang presensiya sa pamamagitan ng daan-daang sasakyang-pandagat hanggang sa loob ng malinaw na teritoryo ng Pilipinas.

Sinabi pa nito na dapat ay dagdagan pa ng gobyerno ang mga hakbang para protektahan ang mga mangingisdang Filipino.

Sinabi naman ni Senate Minority Leader Frank Drilon na ang ginagawa ng China ay malinaw na pagbalewala sa desisyon ng International Arbitral Tribunal na pumabor sa Pilipinas.

Si Sen. Francis Pangilinan, sinabi na sa mga ginagawa ng China, inilalayo nito ang sarili sa international community at dapat aniyang tumigil na sa paglabag sa international law.

Ayon naman kay Sen. Francis Tolentino, pagbalewala na rin sa integridad ng teritoryo ng isang bansa ang ginagawa ng China.

Nakakainsulto naman, ayon kay Sen. Panfilo Lacson, sa integridad ng bansa ang mga hakbang ng China at aniya, maaring panahon na para pag-aralan ang foreign policy ng Pilipinas.

Sinabi naman ni Sen. Nancy Binay na ang nais lang ng mga Filipino ay maayos ang isyu sa mapayapang paraan at walang ng iba pang motibo ang Pilipinas.

“Yet we can not let the bullying continue by remaining scared and silent,” aniya.

Dapat naman nang manindigan ang Pilipinas, ayon naman kay Sen. Richard Gordon at kondenahin ang dahan-dahang pagsakop ng China sa bansa.

TAGS: Inquirer News, Radyo Inquirer news, West Philippine Sea issue, Inquirer News, Radyo Inquirer news, West Philippine Sea issue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.