Death toll sa India dahil sa COVID-19, sumampa na sa 200,000

By Angellic Jordan April 28, 2021 - 07:14 PM
AFP photo

Pumalo na sa mahigit 200,000 ang naitalang COVID-19 related deaths sa India.

Ayon sa health ministry ng nasabing bansa, 3,293 katao ang napaulat na nasawi sa nakalipas na 24 oras.

Bunsod nito, nasa 201,187 na ang kabuuang bilang ng pumanaw sa India dulot ng nakakahawang sakit.

Samantala, mahigit 360,000 naman ang bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 24 oras.

Dahil dito, sumampa na sa mahigit 18 milyon ang naitalang COVID-19 cases sa nasabing bansa.

TAGS: breaking news, COVID-19 cases in India, COVID-19 deaths in India, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in India, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 cases in India, COVID-19 deaths in India, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in India, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.