Quarantine protocols sa NCR, maaring luwagan kung bababa sa 2,000 ang naitatalang COVID-19 cases kada araw – OCTA

By Chona Yu April 28, 2021 - 04:07 PM

Naniniwala ang OCTA Research Group na maari lamang luwagan ang quarantine protocols sa Metro Manila kung bababa na sa 2,000 na kaso ng COVID-19 ang naitatala kada araw.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi nina Professor Ranjit Rye at Dr. Guido David ng OCTA Research Group na punuan pa ang mga ospital ng mga pasyente na positibo sa COVID-19.

Umiiral pa ang modified enhanced community quarantine sa Metro Manila hanggang sa katapusan ng Abril.

Ayon sa dalawang opisyal, hindi pa maaring mag-transition sa general community quarantine dahil nasa 3,500 pa ng kaso ng COVID-19 ang naitatala kada araw.

Kapag kasi aniya niluwagan ang quarantine protocols, maaring tumaas muli ang matatamaan ng virus.

Gugugol anila ng panahon bago maibaba ang kaso ng COVID-19.

Mas makabubuti anila kung palalawigin pa ang MECQ ng isang linggo pa.

TAGS: areas under GCQ, areas under MECQ, Inquirer News, OCTA Research Group, quarantine protocols in Metro Manila, Radyo Inquirer news, areas under GCQ, areas under MECQ, Inquirer News, OCTA Research Group, quarantine protocols in Metro Manila, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.