Mga pumunta sa community pantry na inorganisa ni Angel Locsin, hinikayat ng QC LGU na magpasuri

By Angellic Jordan April 28, 2021 - 03:48 PM

Kuha ni Fritz Sales/Radyo Inquirer On-Line

Nagsagawa ang Quezon City government ng COVID-19 testing sa apat na indibiduwal na nag-avail ng libreng swab services matapos pumunta sa inorganisang community pantry ni Angel Locsin.

Ayon kay City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) Chief Dr. Rolando Cruz, tatlo sa mga nag-book ng swab appointments ay asymptomatic o walang sintomas ng nakakahawang sakit habang ang isa naman ay nakararanas ng sakit ng ulo, at walang panlasa at pang-amoy.

“Today is the fifth day since Ms. Locsin’s event. The average incubation period for COVID-19 is approximately five days. So we call on everyone who went to last Friday’s gathering, please report to us and have yourself tested,” pahayag ni Cruz.

Kung nagkaroon ng transmission at na-expose, sinabi ni Cruz na maaring mapansin ang ilang sintomas simula ngayong araw.

Maaring mag-book ng appointment ang mga apektadong residente online sa link na:
https://bit.ly/QCfreetest

Pwede ring dumuog sa CESU Facebook Page:
https://www.facebook.com/QCEpidemiologyDiseaseSurveillance/.

Maari ring makipag-ugnayan sa QC Contact Tracing Hotlines:
– 8703-2759
– 8703-4398
– 0916-122-8628
– 0908-639-8086
– 0931-095-7737

Simula noong Biyernes, sinabi ni Cruz na nakakatanggap ang CESU ng average na 950 swab test requests kada araw kung saan nasa 600 kada araw ang aprubado o naisagawa.

“The city screens individuals who can avail of the free swab services so we can allocate our supplies to those who need it most,” pahayag ni Cruz.

Sa ngayon, prayoridad aniya sa swab testing ang mga residente na pumunta sa community pantry ni Locsin, close contact o na-expose sa COVID-19 positive patients, nakararanas ng sintomas, buntis, dialysis patients, at mga indibiduwal na sasailalim sa medical operations at kailangan ng COVID-19 test results.

Paalala ni Cruz, maaaring maisagawa ang booking tuwing Lunes hanggang Biyernes, at istriktong ipinatutupad ang appointment sa swab testing at bawal ang walk-in.

TAGS: Angel Locsin, Angel Locsin community pantry, Dr. Rolando Cruz, Inquirer News, QC community pantry, Radyo Inquirer news, Angel Locsin, Angel Locsin community pantry, Dr. Rolando Cruz, Inquirer News, QC community pantry, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.