1.8-M Filipino, naturukan na ng bakuna vs COVID-19

Patuloy pa rin ang COVID-19 vaccination drive sa Pilipinas.

Sa inilabas na datos ng National Task Force Against COVID-19 at Department of Health (DOH) hanggang April 27, mayroon nang kabuuang 3,525,600 doses ng bakuna laban sa nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 3,025,600 doses o 86 porsyento nito ang naibigay na sa 3,415 vaccination sites sa bansa.

Nasa 1,809,801 doses naman ang naiturok na kung saan 1,562,815 indibiduwal o 88 porsyento rito ang nabigyan ng first dose ng COVID-19 vaccine.

Nasa 246,986 katao o 14 porsyento naman ang nakakumpleto na ng kanilang second dose.

Nakasaad din sa datos na nasa 35,320 ang 7-day average ng daily vaccinated individuals.

Read more...