Tinapos ni Kobe Bryant ang kanyang NBA career sa pamamagitan ng paggawa ng 60 points na ipinanalo ng kaniyang team na Los Angeles Lakers kontra Utah Jazz sa iskor na 101-96.
Sa fourth quarter lang ay gumawa si Bryant ng 23 points para sa kaniyang 50-point game mula noong February 2009.
Pinangunahan rin ni Bryant ang paghabol sa Lakers sa 15 na lamang ng Utah.
Gayunman, kahit pa nanalo ang Lakers sa final game, ito pa rin ay itinuturing na “worst NBA season” sa kasaysayan.
Habang nakatayo naman ang lahat sa Staples center ay tumira si Bryant ng 3 points sa natitirang 59 seconds ng laro, at isa pang 3 points sa hulign 31 seconds ng laban.
Ang farewell game ni Bryant ang ika-limang highest scoring game nito sa kaniyang karera at siya rin ang pinakamatandang player na umiskor ng 50 points sa isang NBA game.
Nagsilbing tribute ang buong laban para kay Bryant na nagretiro matapos ang 20 seasons, limang championships at 18 all-star seclections sa Lakers.
Si Bryant rin ang ika-limang player na umabot sa 20 seasons ang paglalaro, at kauna-unahang player na pumirmi lang sa isang team.