Mag-ina nasunog ng buhay; isang lalaki nalapnos ang katawan

By Jan Escosio April 28, 2021 - 12:58 PM

 

 

Nasunog ng buhay ang mag-ina matapos matupok ng apoy ang kanilang bahay sa Sta. Cruz, Maynila kaninang umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Frencelyn, 35 at Precious de Leon, 6.

Nakita pa sila ng kanilang mga kapitbahay na nagtatangkang makalabas at nanghihingi ng tulong.

Hindi nakalabas ang mag-ina dahil sa iron grills sa bintana.

Samantala, isang Jonel Mandap naman ang dinala sa Jose Reyes Memorial Medical Center matapos magtamo ng second degree burns sa katawan.

Napa-ulat ang sunog ala-6:13 sa isang bahay sa Elias street at ayon sa ilang residente nakarinig sila ng sunod-sunod na mahinang pagputok bago kumalat ang apoy.

Bago ito, sumiklab din ang isang sunog sa Tutuban Center sa Tondo pasado alas-2 ng madaling araw.

Halos tatlong oras ang lumipas bago ganap na naapula ang sunog.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.