Pagdating ng 15,000 doses ng COVID-19 vaccine mula Russia maantala

(Reuters)

Hindi matutuloy ang pagdating mamayang gabi, Abril 28 ng 15,000 doses ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Sputnik V sa Russia.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagkaroon ng logistical challenges kung kaya maantala ang pagdating ng mga bakuna.

Ayon kay Roque, may ginagawa ng mga hakbang si vaccine czar Carlito Galves Jr. para maayos ang gusot at makarating sa bansa ang mga bakuna sa buwan ng Mayo.

“We confirm that logistical challenges resulted in the delay of the arrival of 15,000 trial order of Sputnik V. Vaccine czar Carlito Galvez has taken steps to address these challenges and aims to receive the initial order of the Russian vaccine in the month of May instead,” pahayag ni Roque.

Nabatid na kinakailangan ng -20°C storage facility ang mga bakuna ng Sputnik V.

Katwiran pa ni Roque, walangd irect flight mula Russia patungong Pilipinas.

“Challenges resulting from there being no direct flights from Russia and that vaccine requires -20 temperature,” pahayag ni Roque.

Alas 10:00 sana mamayang gabi inaasahang darating sa bansa ang mga bakuna galing Russia.

 

Read more...