Mag-ina patay sa sunog sa Maynila

By Chona Yu April 28, 2021 - 12:03 PM

Patay ang mag-ina matapos matupok ng apoy ang isang residential area sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection, isang pagsabog ang narinig sa bahay ng mag-ina bago sumiklab ang apoy.

Umabot lamang sa ikalawang alarma ang sunog.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang BFP sa naganap na sunog.

TAGS: BFP, mag-ina, manila, patay, sta cruz, sunog, BFP, mag-ina, manila, patay, sta cruz, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.