Senatorial candidate na-depress dahil sa pondo at ratings – Wacky Leaks ni Den Macaranas

April 15, 2016 - 12:02 AM

den-macaranas1Tatlong linggo bago ang araw ng eleksyon ay pinanghihinaan na ng loob ang isang senatorial candidate lalo’t palayo imbes na palapit ang kanyang pangalan sa magic 12.

 

Dala ng labis na stress at depression kaya balik sa lumang bisyo ang bida sa ating kwento.

Halos tatlong araw noong nakalipas na linggo nagbabad sa casino si Mr. Politician.

Sinabi ng ating Cricket na marahil ay gustong maglibang ng naturang pulitiko kaya nagsugal na lang sa isang sikat na casino sa may Roxas Blvd.

Masama rin kasi ang loob ng ating bida sa isang sikat at maimpluwensiyang pulitiko na nangako sa kanya ng tulong pinansiyal para mapaikot ng husto ang kanyang kampanya.

Sinabi ng ating Cricket na imposible siyang mabigyan ng todong-atensyon ng idolo niyang pulitiko dahil maging ito ay problemado sa kanyang tinatakbuhang pwesto.

Re-electionist kasi ang mamang ito kaya hindi rin niya maibigay ng todo ang mga naipangako niya sa ating bida na senatorial candidate.

Maganda ang kwento ng buhay ni Mr. Senatoriable kaya lang ay maaga rin siyang kinain ng sistem ng maruming pulitika.

Tinalikuran niya ang dati ay pwesto na target niya sa kanilang lugar dahil sa pangakong pera ng magulang at switik na pulitiko na kanyang iniidolo.

Dahil nga malayo siya sa ratings kaya naman pahirapan din ang pasok ng mga pondo na sana’y manggagaling sa mga mayayamang supporters mula sa lungsod na kanyang pinagmulan.

Pati ang mga staff ni Mr. Politician ay nakakahalata na rin sa biglang pagtamlay ng kanilang Boss habang papalapit naman ang panahon ng halalan.

Kapag hindi raw siya nanalo sa halalan, muli siyang tatakbo sa kanilang lungsod kahit na makalaban niya ang iniidolo niyang sikat na pulitiko.

Di na kailangan ng maraming clue dahil sikat itong bida sa ating kwento na isang ring “Kayumanggi”.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.