NPA top leader, misis patay sa engkuwentro sa Agusan del Sur
(Courtesy: AFP-Eastern Mindanao Command)
Nasawi ang isang mataas na pinuno ng New People’s Army at ang misis nito sa pakikipaglaban sa puwersa ng gobyerno sa Trento, Agusan del Sur.
Sa ulat ng Armed Forces of the Philippines-Eastern Mindanao Command, nakilala ang nasawi na sina Danny Huit alias Bosyong, ang kalihim ng Sub-Regional Command 1 ng Southern Mindanao Regional Community ng NPA at ang kanyang may bahay na si Naneth Catalino, na nagsisilbing medic ng mga rebelde.
Nakasagupa ng grupo ng mag-asawa ang mga tauhan ng Army 67th Infantry Battalion sa Barangay Sta. Maria.
Isinumbong sa awtoridad ang presensiya ng mga rebelde sa lugar.
Pinuri naman ni EastMinCom commander, Major General Greg Almerol ang tulong at partisipasyon ng komunidad para matuldukan na ang mga aktibidad ng NPA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.