Nababawasan ang posibilidad na makahawa sa mga kasama nila sa bahay ang naturukan na ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Pfizer o AstraZeneca.
Ito ay base sa pagsasaliksik na ginawa ng Public Health England at inilathala kahapon.
Base sa pagsasaliksik, 38 hanggang 49 porsiyentong kabawasan sa posibilidad na makahawa ang mga tinamaan ng COVID-19 tatlong linggo matapos maturukan ng Pfizer o AstraZeneca kumpara sa mga hindi pa nabakunahan.
Ikinatuwa naman ni British Health Secretary Matt Hancock ang resulta ng pagsasaliksik.
“This is terrific news. We already know vaccines save lives and this study is the most comprehensive real-world data showing they also cut transmission of this deadly virus,” sabi ni Hancock.
READ NEXT
Financial assistance sa judges, court employees na tinamaan ng COVID 19 inaprubahan ng Supreme Court
MOST READ
LATEST STORIES