COVID-19 vaccination plan sa mga kabataan idiniga ng isang Kongresista

By Erwin Aguilon April 28, 2021 - 08:02 AM

Congress photo

Hinimok ni Barangay Health Workers (BHW) Representative  Angelica Co ang pamahalaan na bumalangkas ng COVID-19 vaccination plan para sa mga kabataan.

Ayon kay Co, kailangang mapaghandaan habang maaga ang immunization plan para sa mga mag-aaral upang matiyak na lahat ng mga kabataan ay mabibigyan agad ng proteksyon laban sa COVID-19 sa oras na maging available na ang vaccines at mabigyan na ito ng ’emergency use’.

Ngayon pa lamang aniya ay sanayin na ng gobyerno ang mga eskwelahan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng hiwalay na bakunahan para sa flu, hepatitis at measles nang sa gayon ay maging mabilis ang proseso ng mass vaccination sa mga paaralan.

Sa ganitong paraan din aniya ay napapalakas ang kalusugan ng mga mag-aaral sa mga sakit habang hinihintay ang resulta ng pag-aaral sa COVID vaccines para sa mga kabataan.

Para matiyak ang agad na roll-out sa bakuna sa mga kabataan, inirekomenda ni Co na ang bahagi o ang buong 50% ng vaccine supply na ido-donate ng mga pribadong kumpanya sa pamahalaan ay ilaan sa paaralan na nasa ilalim ng ‘adopt school programs’ ng Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED).

Ang mga donors naman na magbibigay ng bakuna sa mga paaralan ay mabibigyan ng malaking tax break sa ilalim ng CREATE Act.

 

TAGS: Angelica Co, arangay Health Workers partylist, COVID-19, vaccination plan, Angelica Co, arangay Health Workers partylist, COVID-19, vaccination plan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.