Kinalampag ng dalawang mambabatas mula sa National Capital Region ang hindi pantay na alokasyon ng mga bakuna kontra sa COVID-19 sa iba’t-ibang lugar sa NCR.
Sa pagdinig ng House Committee on Metro Manila Development, sinita nina Marikina Rep. Stella Quimbo at Pasig Rep. Roman Romulo sa DOH-NCR sa kakaunting alokasyon ng bakuna sa kanilang mga lugar kung ikukumpara sa ibang mga lungsod.
Paliwanag ni Quimbo, mawawalang saysay ang vaccination program ng pamahalaan kung hindi rin naman mapo-proteksyunan ang kabuuan ng kanilang mga residente.
Dahil dito, inaatasan ng komite ang DOH-NCR na ayusin ang kanilang database para sa mas maayos na pagpapatupad ng COVID-19 response.
Tiniyak naman ni DOH-NCR Regional Director Gloria Balboa na aayusin na nila ang alokasyon ng bakuna batay sa populasyon at priority master list ng bawat lungsod.
Kasabay nito muli ring inapela ng mga mambabatas ang agarang paglalabas ng tamang sweldo at benepisyo sa mga frontline health care workers, pagpapaigiting sa contact tracing, tamang information dissemination sa publiko at transparency sa paggugol ng pondo sa ilalim ng Bayanihan 1 at 2.