Hindi pantay na pamamahagi ng COVID-19 vaccine sa NCR pinuna sa Kamara

By Erwin Aguilon April 28, 2021 - 07:51 AM

PCOO photo

Kinalampag ng dalawang mambabatas mula sa National Capital Region ang hindi pantay na alokasyon ng mga bakuna kontra sa COVID-19 sa iba’t-ibang lugar sa NCR.

Sa pagdinig ng House Committee on Metro Manila Development, sinita nina Marikina Rep. Stella Quimbo at Pasig Rep. Roman Romulo sa DOH-NCR sa kakaunting alokasyon ng bakuna sa kanilang mga lugar kung ikukumpara sa ibang mga lungsod.

Paliwanag ni Quimbo, mawawalang saysay ang vaccination program ng pamahalaan kung hindi rin naman mapo-proteksyunan ang kabuuan ng kanilang mga residente.

Dahil dito, inaatasan ng komite ang DOH-NCR na ayusin ang kanilang database para sa mas maayos na pagpapatupad ng COVID-19 response.

Tiniyak naman  ni DOH-NCR Regional Director Gloria Balboa na aayusin na nila ang alokasyon ng bakuna batay sa populasyon at priority master list ng bawat lungsod.

Kasabay nito muli ring inapela ng mga mambabatas ang agarang paglalabas ng tamang sweldo at benepisyo sa mga frontline health care workers, pagpapaigiting sa contact tracing, tamang information dissemination sa publiko at transparency sa paggugol ng pondo sa ilalim ng Bayanihan 1 at 2.

 

TAGS: DOH-NCR Regional Director Gloria Balboa, House committee on Metro Manila development, Marikina Rep. Stella Quimbo, Pasig Rep. Roman Romulo, DOH-NCR Regional Director Gloria Balboa, House committee on Metro Manila development, Marikina Rep. Stella Quimbo, Pasig Rep. Roman Romulo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.