Niyanig ng malakas na magnitude 6.4 na lindol ang bansang Japan ngayon lamang Huwebes ng gabi.
Ayon sa Japan Meteorological Agency, naramdaman ang lindol sa Kumamoto Prefecture at mga kalapit na mga lugar alas 9:26 PM.
Sa bayan ng Mashiki sa Kumamoto Prefecture, naitala ang intensity 7 na pagyanig ng lupa.
Ilang mga ulat na rin ng mga bahay at mga maliliit na istruktura na pinabagsak ng lindol.
Sa footage naman ng Japaneses TV network na NHK, makikita ang malakas na paggalaw ng mga CCTV at television cameras na nakapuwesto sa ibabaw ng mga gusali sa kasagsagan ng lindol.
Makalipas ang ilang minuto, dakong alas 10:07 ng gabi oras sa Japan, isa pang malakas na aftershock ang naitala.
Dahil sa lindol, ilang minuto ring nawalan ng suplay ng kuryente ang operasyon ng tren ng Kyushu Shinkansen line at Sanyo Shinaknsen line na nasa mainland Honshu at Kyushu.
Agad namang ipinag-utos ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang paglulunsad ng mga emergency headquarters sa mga lugar na naapektuhan ng lindol.
Ayon sa tala ng Japan Meteorological Agency, ang Kumammoto quake ang unang Intensity 7 na lindol na tumama sa bansa simula nang manalanta ang Great East Japan Earthquake sa Tohoku region noong 2011.