Donasyon na thermal paper at pen markers ng Smartmatic, tatanggapin na ng Comelec
Tatanggapin na ng Commission on Elections ang donasyon na thermal paper ng Smartmatic-TIM na gagamitin sa national at local elections sa May 9.
Sa botong 6-1, nagdesisyon ang Comelec en banc na tanggapin na ang naturang donasyon ng Smartmatic.
Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, napagdesisyunan nila ang pagtanggap sa donasyon kasunod ng rekomendasyon ng law department na wala naman malalabag na batas kapag ginawa ito.
Nakapaloob sa donasyon ng Smartmatic-TIM ang 1.1 milyong rolyo ng thermal paper na gagamitin para sa voter-verified paper audit trail o VVPAT sa vote counting machines (VCMs).
Bukod sa thermal paper, nakatakda rin na magdonate ang Smartmatic sa Comelec ng dalawang milyong pen markers.
Ang naturang pen markers ay ang naging reserba noong 2010 elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.