Sen. de Lima stable ang kondisyon, nakalabas na ng ospital

By Jan Escosio April 27, 2021 - 07:35 PM

Hindi na-stroke si Senator Leila de Lima na unang ikinabahala ng kanyang doktor at nakalabas na ito ng Manila Doctors Hospital.

Sa inilabas na pahayag ng kampo ni de Lima, nabanggit na base sa isinagawang Brain Magneti Resonance Imaging o BMRI at CT angiography, walang bakas na na-stroke si de Lima.

Ayon sa kanyang mga doktor na sina Dr. Dante Morales at Dr. Errol Rhett Santelices, ang naranasan ni de Lima ay migraine headaches dulot ng mainit na panahon, ingay at poor ventilation.

Ito ay may kaugnayan din sa tinatawag na benign paroxysmal positional vertigo at reactive hypertension.

Inirekomenda ng kanyang medical team na ayusin ang ventilation sa kulungan ng senadora sa PNP Cuustodial Center sa Camp Crame at kung muling irereklamo nito ang pananakit ng ulo ay makakabuti na sumailalim muli ito sa tests.

Dinala si de Lima sa ospital noong nakaraang Sabado matapos mabigyan ng korte ng three-day medical furlough.

Pinayuhan naman ito na regular na i-monitor ang kanyang blood pressure at sugar level, bukod sa iwasan ang ma-stress.

“But how can I avoid stress, especially during these very trying times? Stress practically defines my adult life as a public servant,” ang biro naman ni de Lima,na pinasalamatan din ang mga nagdasal at nag-asikaso sa kanya.

TAGS: de lima health, de Lima hospitalized, de lima medical furlough, de lima stroke, Inquirer News, leila de lima, Radyo Inquirer news, de lima health, de Lima hospitalized, de lima medical furlough, de lima stroke, Inquirer News, leila de lima, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.