AFP, napahanga sa mga gamit pang militar ng US

AFP (2)Napahanga ang mga sundalo at mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa isinagawang demonstration ng US sa kanilang mga gamit militar sa katatapos lamang na live fire exercises sa Crow Valley Capas, Tarlac.

Partikular dito ang rocket launcher ng US na HIMARS o high mobility artillery rocket system.

Pero pagpapauna ni Defense Secretary Voltaire Gazmin, walang budget ang pamahalaan para magkaroon at makabili ng nabanggit na rocket launcher.

Bagaman, paliwanag ni Gazmin, posible naman na ikunsidera ito ng DND sa susunod na alokasyon ng pondo sa nagpapatuloy na modernisasyon ng AFP.

Samantala, nagpahayag naman ng kahandaan ang US na ipahiram muna sa Pilipinas ang kanilang HIMARS sakaling biglang kailanganin.

Ayon kay Balikatan US Director Lt. Gen. John Toolan, magkaalyadong bansa naman ang US at Pilipinas kaya tama lang kung magpapahiram sila ng high tech military equipments.

Read more...