MG520 attack helicopters ng PAF, grounded dahil sa ‘crash incident’ sa Bohol
Hindi na muna paliliparin ng Philippine Air Force (PAF) ang lahat ng kanilang MG520 attack helicopters matapos ang pagbagsak ng isa sa dagat na sakop ng Jetafe, Bohol Martes ng umaga.
Sa pahayag ng PAF ukol sa insidente, kumpirmado ang pagkasawi ng isa nilang opisyal na sa mga naunang ulat ay kinilalang si Capt. Aurelios Olano.
Nabatid na ang bumagsak ay ang MD520MG #410 ng 15th Strike Wing at nangyari ang insidente habang nagsasagawa ng engineering flight malapit sa Jandayan Island bandang 9:45 ng umaga.
Nagpadala na ng mensahe ng pakikiramay si PAF commanding general, Lt. Gen. Allen Paredes sa mga naulila ni Olano, gayundin may mensahe din ito sa pamilya ng tatlong nasaktan nilang tauhan.
Ayon sa mga mangingisda na nakasaksi sa pangyayari, unang bumagsak sa dagat ang unahang bahagi ng helicopter at agad itong lumubog.
Bago pa ito, nakita din nila ang pagtalon sa dagat ng mga sakay ng helicopter.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.