Tumama ang magnitude 4.1 na lindol sa Surigao del Norte, Martes ng hapon.
Sa earthquake information ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 45 kilometers Northeast ng Burgos.
Naramdaman ang lindol bandang 4:44 ng hapon.
May lalim na 10 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.
Wala namang napaulat na intensities sa mga karatig-bayan.
Sinabi rin ng Phivolcs na walang naitalang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.