India, nakapagtala ng 323,144 na bagong kaso ng COVID-19

Reuters photo

Lagpas 300,000 muli ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa India.

Sa datos ng health ministry sa nasabing bansa, nasa 323,144 ang panibagong COVID-19 cases.

Ito na ang ika-anim na araw na mahigit 300,000 ang naitatalang kaso ng nakakahawang sakit sa India.

Dahil dito, sumampa na sa 17.64 milyon ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa India.

Samantala, 2,771 naman ang bagong napaulat na nasawi.

Bunsod nito, umakyat na sa 197,894 ang COVID-19 related deaths sa India.

Read more...