P68-M halaga ng shabu, nakumpiska sa Cavite; Drug suspect, timbog

Nasamsam ng anti-illegal drugs operatives ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PNP-DEG) angd 10 kilo ng shabu sa Cavite, araw ng Lunes.

Ikinasa ang sting operation sa bahagi ng Moab Street sa Town and Country Homes Subdivision sa Dasmariñas City.

Ayon kay PNP Chief, Police General Debold Sinas, nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto sa drug suspect na si Michael Lucas alyas “Boy Muslim,” 35-anyos.

Nakumpiska kay Lucas ang 10 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P68 milyon.

Nakuha rin sa drug suspect ang tatlong digital weighing scale at ilang ID.

Lumabas pa imbestigasyon na miyembro si Lucas ng isang drug syndicate na nagpapakalat ng shabu sa Region 3, National Capital Region, Mindanao, at ilang kalapit na probinsya.

Read more...