Direk Toto Natividad, pumanaw na

By Angellic Jordan April 27, 2021 - 02:42 PM
Photo credit: Mayor Toby Tiangco/Facebook

Pumanaw na ang director na si Direk Federico “Toto” Natividad sa edad na 63.

Maliban sa pagiging top action director sa telebisyon at pelikula, si Natividad ay nagsisilbi rin bilang punong barangay ng North Bay Boulevard South (NBBS) Kaunlaran sa Navotas City.

“Ikinalulungkot po nating ibalita ang pagpanaw ni Kap. Toto Natividad, punong barangay ng North Bay Boulevard South (NBBS) Kaunlaran,” pahayag ni Navotas City Mayor Toby Tiangco.

Sa kabila ng pagiging senior citizen at bahagi ng vulnerable sector, sinabi ng alkalde na hindi nagpapapigil Natividad sa pangunguna sa pag-asikaso at pangangalaga sa kanyang mga kabarangay.

“Palagi ang kanyang paalala sa kanyang nasasakupan, mapa-personal o sa social media, na mag-ingat para makaiwas sa sakit,” aniya pa.

Dagdag pa ni Tiangco, “Malaking kawalan si Kap Toto, hindi lamang sa inyo, kundi sa buong Navotas. Hindi matatawaran ang kanyang paglilingkod, at nawa’y manatili sa atin ang mga aral na kanyang naituro at kabutihan na kanyang nagawa.”

Bumuhos naman ang pag-aabot ng pakikiramay sa naiwang pamilya at kaibigan ng director.

Kamakailan, nag-post ang anak ng director na si John Isaac Natividad kung saan humingi ng tulong para ma-confine ang kanyang ama sa ospital.

TAGS: Direk Toto Natividad, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Toto Natividad, Toto Natividad cause of death, Toto Natividad died, Direk Toto Natividad, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Toto Natividad, Toto Natividad cause of death, Toto Natividad died

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.