Pitong bagong platform monitors sa MRT-3 Shaw station, nagagamit na

By Angellic Jordan April 27, 2021 - 02:19 PM

Nagagamit na ang pitong bagong platform monitors sa Shaw Boulevard station ng Metro Rail Transit Line 3 o MRT-3.

Nakakatulong ang platform monitors sa paggabay para ligtas na mapasakay ang mga pasahero sa tren.

Maliban dito, nagsisilbi rin itong gabay ng mga train driver upang malaman kung nasa loob na ang lahat ng pasaherong sasakay at ligtas nang patakbuhin ang tren.

Nauna nang nakapaglagay ng kabuuang 37 platform monitors ang pamunuan ng MRT-3 sa unang 11 istasyon.

Kabilang dito ang North Avenue, Quezon Avenue, GMA-Kamuning, Cubao, Santolan, Ortigas, Shaw Boulevard, Boni Avenue, Guadalupe, Buendia, at Ayala.

Katuwang pa rin ng MRT-3 sa malawakang upgrading ng signaling at communications equipment sa mga istasyon ang maintenance provider na Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries mula sa Japan.

TAGS: dotr, DOTrMRT3, Inquirer News, Radyo Inquirer news, SulongMRT3, dotr, DOTrMRT3, Inquirer News, Radyo Inquirer news, SulongMRT3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.