12 patay sa plane crash sa Papua New Guinea

By Dona Dominguez-Cargullo April 14, 2016 - 01:04 PM

Papua New GuineaPatay ang 12 katao matapos bumagsak ang sinasakyan nilang maliit na eroplano sa Papua new Guinea.

Sa ulat ng PNG Broadcasting Corporation, bumagsak ang eroplano malapit sa Kiunga airstrip habang papalapag na sana ang eroplano nang ito ay mag-crash.

Nagkaproblema umano sa makina ang eroplano habang nasa ere.

Ayon kay Kiunga police commander Joer Puri, patay ang lahat ng sakay ng eroplano pati na ang piloto.

Kabilang umano sa nasawi ang tatlong bata.

Sa pahayag naman ng Australian Department of Foreign Affairs, kinumpirmang isa sa mamamayan nila ang sakay ng bumagsak na Sunbird Aviation flight at kasama sa mga nasawi.

Excerpt: Nagkaproblema umano sa makina ang eroplano habang nasa ere.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.