Sitwasyon sa India, nakadudurog ng puso – WHO chief

Naalarma na ang World Health Organization (WHO) sa  paglobo ng mga kaso ng pagkahawa-hawa ng COVID 19 sa India.

Ayon kay WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus nakadudurog ng puso ang nangyayari sa India dahil umaapaw na sa mga pasyente ang mga ospital at puno na rin ng mga bangkay ang crematoriums.

Aniya minamadali na nila ang pagpapadala ng lahat ng uri ng tulong sa India.

Puna nito, idinadaan na sa social media ang paghingi ng saklolo ng mga kaanak ng mga pasyente na nahaharap din sa kakulangan ng oxygen supply at mga gamot.

Binanggit pa ni Ghebreyesus na 2,600 sa kanilang mga eksperto ang nakikipag-tulungan na ngayon sa Indian health authorities para makalma ang sitwasyon.

Kahapon, nakapagtala ng 2,612 na namatay dahil sa COVID 19, ang pinakamataas simula nang manalasa ang pandemya sa India.

Read more...