Sen. Bong Go ipinasasama ang PRC examiners sa vaccine priority list
Dahil sa matinding pangangailangan sa mga health workers, inihirit ni Senator Christopher “Bong” Go na maisama sa vaccine priority list ang examiners ng Philippine Regulation Commission (PRC).
Kasama, ayon sa senador, ang proctors at watchers sa mga isasagawang professional board exams.
“Maituturing dapat na essential workers ang mga miyembro ng PRC na nagsasagawa ng mga professional board exams. Kung protektado sila dahil sa bakuna, mas makakapagtrabaho sila ng maayos para hindi maantala ang mga kailangan ng ating mga kababayan para sa kanilang mga propesyon,” pagpupunto ng senador.
Ibinahagi ni Go na naiparating na niya kina Health Secretary Francisco Duque III at vaccine czar Carlito Galvez Jr., ang pangamba ng mga kawani ng PRC kasunod nang magkakaibang quarantine restrictions na umiiral sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Aniya noong Marso, 52 kaso ng COVID 19 ang naitala sa mga tanggapan ng PRC at isang miyembro ng Board of Medical Technology ang nasawi.
Bunga nito, iniurong ang dapat na nursing licensure exams mula sa Mayo 30 at 31 ay gagawin na ito sa Nobyembre 21 at 22.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.