Cash Dividends ng mga GOCC maaring pagkunan ng pondo para sa Bayanihan 3

Maaring pagkunan ng pondo para sa isinusuling na Bayanihan 3 ang cash dividends mula sa government-owned or-controlled corporations (GOCCs).

Ayon kay Assistant Majority Leader at Cebu Rep. Eduardo Gullas, nakasaas sa ilalim ng  Republic Act 7656 na obligado ang mga GOCCs na magdeklara ng cash dividends at i-remit ang 50% ng net earnings sa national treasury.

Mayroon din anyang  kapangyarihan ang pangulo base sa  rekomendasyon ng Secretary of Finance, na itaas ang dividend payout ng GOCCs nang higit sa 50%.

Tinukoy ni Gullas na sa kabila ng pandemya ay maraming GOCCs ang kumikita ng maayos at nakapagbibigay ng dibidendo sa national treasury.

Ilan sa mga ito ang mga pribadong korporasyon na nag-apply ng lisensya sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para magtatag ng digital banking at electronic money platforms bunsod ng paglilipat ng maraming kumpanya sa online transactions.

Sa datos ng  Department of Finance (DOF), nasa 57 GOCCs ang nakapagbayad ng P157 Billion cash dividends sa national treasury noong 2020.

 

Read more...