House-to-house at drive-thru vaccination sa senior citizens inihirit

Joel Villanueva Facebook

Nais ni Senator Joel Villanueva na madagdagan ang ibinibigay na proteksyon sa mga nakakatanda sa bansa sa usapin ng pagbabakuna sa kanila.

 

Mungkahi ni Villanueva puntahan na ang mga senior sa kani-kanilang bahay para bakunahan o maari rin aniya na maglagay ng ‘drive-thru’ sa vaccination centers.

 

Katuwiran ng senador, ang mga nakakatanda, edad 60 pataas, ang natukoy ng kabilang sa ‘at-risk’ na bahagi ng populasyon.

 

“Marami po sa ating seniors ang may sakit o may kahirapan sa paggalaw. Malaking kaginhawaan po sa kanila kung may drive-thru ng bakuna kung saan mananatili na lang sila sa kanilang mga sasakyan at malayo sa exposure sa virus na ito,” sabi ni Villanueva.

 

Ngunit giit aniya ang pinakamagandang opsyon para sa ‘seniors’ ay puntahan at mabakunahan sa kanilang bahay.

 

“Marami po sa ating seniors home alone talaga at  kadalasan nagpupuntang mag-isa sa vaccination centers. Kung ang kasama  naman ay no work, no pay na manggagawa, wala sila talagang makakasama,” katuwiran pa ni Villanueva.

Read more...