3 ang sugatan, 4 na bahay ang nasira dahil sa Magnitude 6 na lindol sa Zamboanga Del Norte
Aabot sa tatlo ang nasugatan at apat na bahay ang nasira dahil sa magnitude 6 na lindol na naganap sa Zamboanga Del Norte kaninang madaling araw.
Ayon kay Elmer Apolinario, City Disaster Risk Reduction and Management officer sa Zamboanga City, kinilala ang mga nasugatan na sina Arcinia Natividad at anak niyang si Raymond, at si Juliana Makahibag, na pawang residente ng Barangay Sinunuc.
Ang mag-inang Natividad ay nasugatan matapos mabagsakan ng divider sa loob ng kanilang bahay sa kasagsayan ng pagyanig.
Habang si Makahibag naman ay tinamaan ng debris nang gumuho ang bakod ng kanilang bahay.
Sinabi ni ni Apolinario na pawang minor injuries lamang naman ang tinamo ng tatlo.
Samantala, nagdulot din ng pinsala sa apat na bahay sa Barangay Sinunuc ang nasabing lindol.
Pawang gawa umano sa light materials ang mga napinsalang bahay at gumuho ang kanilang dingding nang maganap ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.