Nakauwi na sa kanilang tahanan si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada, Lunes ng gabi (April 26).
Ito ay matapos ma-confine sa ospital ang dating Pangulo nang tamaan ng COVID-19.
Sa ibinahaging larawan ni dating Senador Jinggoy Estrada, makikitang sinalubong ang dating Pangulo ng kaniyang pamilya.
Makikita pa sa isang larawan ang paghalik nito sa kamay ng kaniyang asawa na si dating Senador Loi Estrada.
“Miss na miss niya na nanay ko! Hehehe,” pahayag ni Jinggoy.
March 29 nang magpositibo ang dating Pangulo sa nakakahawang sakit at isinugod sa ospital natapos manghina.
Na-confije pa sa intensive care unit (ICU) ang dating Pangulo makaraang makaranas ng hirap sa paghinga bunsod ng pneumonia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.