2 manggagawa sa Lanao del Sur, pinugutan ng Maute group

By Kathleen Betina Aenlle April 14, 2016 - 08:30 AM

butig lanao del surPugot na ang ulo ng dalawa sa anim na manggagawang dinukot sa Lanao del Sur noong April 4.

Kinumpirma ito ng tagapagsalita ng Western Mindanao Command na si Maj. Filemon Tan, at ayon sa kaniya, natagpuan ang mga bangkay alas-4:20 ng hapon ng Martes.

Narekober ang mga labi ng mga biktimang kinilalang sina Salvador Hanobas at Jaymart Hanobas sa Barangay Bayabao Poblacion.

Ayon sa Butig Municipal Police Station, nakasilid pa ang mga bangkay sa loob ng dalawang sako.

Pinalaya naman na ng grupo ang iba pang mga manggagawa na nakilalang sina Julieto Hanobas, Alfredo Anoos, Gabriel Permites, at Adones Mendez.

Matatandaang noong nakaraang Linggo, dinukot ng Maute group ang anim na manggagawa dahil akala nila ay tinitiktikan sila ng mga ito bilang utos ng pamahalaan.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.