Sen. Marcos muling pinasisilip sa DOH, FDA ang Ivermectin bilang gamot sa COVID-19

By Jan Escosio April 26, 2021 - 06:16 PM

Inulit ni Senator Imee Marcos ang kanyang panawagan sa Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) na ikunsidera ang ibang sinasabing gamot na maaring gamitin na panlaban sa COVID-19.

Ginawa ito ni Marcos matapos punahin ang pagkakaantala ng pagdating ng mga bakuna sa bansa.

“Let’s use preventive treatments and repurposed drugs while waiting for the vaccines. Setbacks in delivery timelines are taking place worldwide, not just in the Philippines,” sabi nito.

Giit niya, kailangan ng ‘back up plan’ dahil walang katiyakan ang suplay ng bakuna maging sa mga darating na buwan.

Isa sa mga nabanggit ni Marcos na maaring ikunsidera ay ang Ivermectin, gayundin ang hydroxychloroquine, at ang isang povidone-iodine throat spray na sinubukan sa Singapore sa 3,000 trial participants.

TAGS: Inquirer News, Ivermectin, Radyo Inquirer news, Sen. Imee Marcos, Inquirer News, Ivermectin, Radyo Inquirer news, Sen. Imee Marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.