18, sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa QC

By Ricky Brozas April 14, 2016 - 08:21 AM

Congressional AveAabot sa 18 katao ang nasaktan matapos magkarambola ang tatlong sasakyan sa Congressional Ave. sa Quezon City.

Naganap ang aksidente sa intersection ng Congressional Ave., bago mag alas 5:00 ng umaga.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sangkot sa aksidente ang isang trak, van at jeep.

Pawang minor injury lamang naman ang tinamo ng mga nasugatang indbidwal na karamihan ay pawang pasahero ng jeep at nilapatan na lang ng lunas sa lugar.

Samantala, nakapagtala din ng hiwalay na aksidente sa bahagi C-5 Libis patungo sa bahagi ng Marcos Highway.

Isang 10-wheeler truck ang sumampa sa center island pagkaliko nito sa bahagi ng Libis patungo sa Maros Highway galing sa C-5 northbound.

Dinala na sa ospital ang driver at pahinante ng trak habang nagdulot ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko sa northbound lane ng C-5 ang nasabing akisdente at umabot sa Greenmeadows ang tail end ng traffic.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.