Umakyat na sa 20 train sets ang tumatakbo sa linya ng Metro Rail Transit Line 3 o MRT-3 sa araw ng Lunes, April 26.
Ito ay matapos magpatupad ng limitadong kapasidad sa pagbabalik operasyon noong April 5.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, kabilang sa mga tumatakbong tren ang 19 na CKD train sets at isang Dalian train set.
Sinabi nito na nadagdagan ang naide-deploy na tren dahil nadagdagan din nagnegatibo at gumaling na train drivers sa COVID-19.
Tiniyak din na mahigpit na nasusunod ang health protocols sa nasabing linya ng tren.
Sa ngayon, nasa 30 porsyento pa rin ang passenger capacity ng mga tren ng MRT-3. Katumbas ito ng 124 na pasahero kada train car o 372 na pasahero kada train set.
READ NEXT
Pangulong Duterte, posibleng ianunsiyo ang quarantine classifications sa NCR plus sa April 28
MOST READ
LATEST STORIES