Pangulong Duterte, posibleng ianunsiyo ang quarantine classifications sa NCR plus sa April 28
Posibleng ianunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magiging quarantine classifications ng National Capital Region (NCR) plus para sa Mayo sa araw ng Miyerkules, April 28.
Kabilang sa NCR plus ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, maaring sa Miyerkules mag-anunsiyo ang Pangulo dahil gagawin ang “Talk to the People” sa nabanggit na petsa.
Tatalakayin aniya ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang mga rekomendasyon sa Punong Ehekutibo sa Martes, April 27.
Nakasailalim ang NCR plus sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) hanggang April 30.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.