Food subsidy para sa Mayo, inihahanda na ng Manila LGU
Inihahanda na ng lokal na pamahalaan ng Manila ang ika-apat na buwang ayuda sa buwan ng Mayo para sa 700,000 pamilyang Manilenyo.
Ayon kay Mayor Isko Moreno, natapos na noong nakaraang linggo ang distribution ng food boxes sa lahat ng 896 barangays at anim na distrito sa Maynila.
Para sa buwan ng Mayo, ang food boxes na ito ay sinisimulan nang i-repack at inaasahang ipamamahagi sa ikalawang linggo ng susunod na buwan.
Magugunitang ipina-realign ni Mayor Isko ang budget para sa road maintenance upang makalikom ng pondo para sa Food Security Program.
Ayon kay Mayor Isko, bituka muna bago kalsada ang priority ng LGU upang aniya’y walang magugutom sa Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.