Naitala ang lindol alas 2:21 ng madaling araw sa 17 kilometer north ng Baliguian.
Dahil sa nasabing pagyanig, naramdaman ang Intensity 5 sa Zamboanga City; Intensity 4 sa Baliguian, Gutalac, Ipil, Labason, Siocon, Sibuco, at Titay, Zamboanga Del Norte; Isabela City, Basilan; Intensity 3 sa Sirawai at Liloy, Zamboanga Del Norte; Intensity 2 sa Dipolog City; at sa Oroquieta City, Misamis Occidental
Sa barangay Sinunoc sa Zamboanga City, nakapagtala ng pagguho ng pader sa aabot sa tatlong mga bahay.
Patuloy pang nangangalap ng impormasyon ang Phivolcs para matukoy kung may iba pang naitalang pinsala.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at ang mga residente sa mga lugar na apektado ay pinapayuhang maging maingat dahil posibleng magkaroon ng aftershocks.
Matapos ang pagyanig agad nagpa-alala si Zamboanga City Mayor Beng Climaco sa mga residente lalo na sa mga naninirahan sa coastal areas. “Residents advised to take necessary precaution and seek shelter in open areas. Situation monitored,” ayon sa post ni Climaco sa kaniyang Facebook page.