LPG Tanker, tumagilid sa Edsa Tramo Flyover

By Dona Dominguez-Cargullo, Erwin Aguilon April 14, 2016 - 07:42 AM

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

(update) Nabarahan at hindi pinadaanan sa mga motorista ang Edsa – Tramo Flyover sa Pasay City.

Ito ay matapos tumagilid sa flyover ang isang 18 tons LPG tanker at humambalang sa kalsada.

Bagaman pasado ala 1:00 pa madaling araw pa nangyari ang aksidente.

Ang nasabing flyover ay daanan patungo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng mga sasakyang galing EDSA.

Ang tanker ay pag-aari ng Island Gas Corporation na galing sa lalawigan ng Bataan at patungo sana sa planta sa Pasay City.

Ayon sa driver ng tanker na si Efren Canillo, biglang may pumrenong sasakyan sa kaniyang harpaan dahilan para mawalan siya ng kontrol at tumagilid ang tanker.

Inalis muna ng mga otoridad ang tractor head ng tumagilid na tanker gamit ang crane, at saka maingat na iaangat ang tanke o ang pinaka-kapsula nito dahil punong-puno ito ng LPG.

Nagtalaga rin ng mga trak ng bumbero sa lugar para agad magsagawa ng clearing operations nang maialis sa flyover ang tanker.

Pasado alas 9:00 ng umaga nang maialis sa flyover ang tanker.

 

TAGS: LPG tanker turns on its side along Edsa Tramo Flyover, LPG tanker turns on its side along Edsa Tramo Flyover

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.