Panukala upang paigtingin ang panuntunan sa paggamit at alokasyon sa pondo ng gobyerno itinutulak sa Kamara
Isinusulong ni House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda ang isang panukala upang mapaigting ang public financial management ng bansa.
Sa ilalim ng House Bill No. 9214 o ang Budget Modernization Bill, itatakda ang ground rules para sa paggamit at alokasyon sa pondo ng gobyerno at pambansang budget gayundin ay mas pinatatatag dito ang partisipasyon ng publiko at transparency sa pondo.
Ang nasabing panukala ang prayoridad ng mga economic managers at siya ring batayan ng reporma ng administrasyong Duterte.
Nililinaw sa panukala ang proseso at regulasyon para sa budget preparation, management, at reporting.
Inilalatag din sa panukala na kapag ang isang congressional proposal na makakaapekto sa kita ng gobyerno tulad ng tax breaks, dapat ay may katapat ito na mapagkukunan o revenue source.
Nasa ilalim din ng panukala ang pag-institutionalize sa Budget Priorities Framework na titiyak na ang pambansang pondo ay mai-a-allocate o mailalaan sa mga prayoridad ng bansa.
Nakasaad din sa panukala ang malayang pag-access ng publiko sa mga impormasyon ng budget na sisiguro sa “people’s participation” sa proseso ng budget.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.